LITTLE BROWN BROTHERS: A whole new spin on sovereignty


Slide1Ano ang limitasyon ng US involvement sa mga combat or law enforcement operations sa Pilipinas?

Sa usaping #Mamasapano, ito ang alam natin:

  1. May 6 na Kano sa tactical command post sa #Mamasapano – na hindi daw alam ni Napenas ang bilang noong Jan. 25.
  2. Sila ang may dala at nag-operate ng gamit na nagbigay ng real-time, on-gound info sa SAF
  3. Tutok lang sa SAF 84 at ang target na si Marwan ang real-time surveillance – ayaw pa sumagot si Napenas kung nakikita ang buong #Mamasapano; may implications yan, kasi kung maraming armado na nakikita, dapat di na tinuloy ang ops ng walang kaakibat na on-ground na AFP support.

Sinabi ng Philippine National Police (PNP) Board of Inquiry (BOI) at Senate reports na higit sa intel at equipment support ang papel ng mga Kano sa Mamasapano. May isa pa nagtangkang mag-utos kay 6th ID commander Pangilinan na magpalipad na ng artillery. Ito ay inamin ni Pangilinan sa resumption ng House of Representatives probe sa mga nangyari sa Mamasapano.

Sa tanong ni Gabriela party-list Rep. Emmie de Jesus, binulaslas ni Justice Secretary Leila de Lima ang tayo ng gobyerno sa usaping US involvement.

Sinabi niya na walang problema kung nasa tactical command post ang mga Kano.

Academic discussion lang daw.

Ayon kay de Lima, ang Korte Suprema ay nag-desisyon na ang Visiting Forces Agreement ay walang banggit na limitasyon sa specific activities – broad limitations lamang na kasama dito ang involvement sa actual combat. Ito daw ang “spirit” nang maaring makilusan ng mga Kano.

Hindi daw tayo dapat mangamba na itataya talaga ng Kano ang buhay nila sa aktwal na labanan. Dahil ayaw na ayaw naman daw ng US na mamatayan ng tauhan nito.

Okay, di ba?

Pwede silang mambomba; pwede silang mag-utos na magpalipad ng artillery; pwede silang magmando na lumusob at pumunta dito o doon ang mga sundalo o pulis na Pilipino – hindi na bale na maipit ng kaaway – wag lang sila ang mamatayan sa labanan.

Ang bawal lamang daw sa Konstitusyon ay ang magtayo military bases, magpasok ng armas nukleyar sa Pilipinas at maghimasok sa patakarang panlabas ng bansa. (Syempre alam din natin na ang US policy ay neither confirm or deny sa usaping nukes.)

Pasok daw sa sovereignty ng isang bansa ang kalayaang humingi ng military intervention ang Pangulo.

Hindi daw importante ang klase ng operasyon na kinasasangkutan ng Kano – kundi ang control at ang kapangyarihan mag-desisyon ng gobyernong Pilipino.

At ayon sa daw VFA, kung gusto ni Pangulong Benigno Simeon Aquino III na bigyan ng karapatan ang Kano na magdesisyon sa particular na operasyon, kasama ito sa karapatan ng Pangulo sa ilalim ng saklaw ng decision-making powers nya.

Sa kabuuan kung gusto ng Presidente PWEDE nitong bigyan ang Kano ng karapatang mamuno at manguna sa isang combat operation, pwede – wag lang sila malagay sa alanganin. Ang kailangan lang daw ay pahintulot ng Pangulo. Sila lang daw ang makakapagpasya ng saklaw ng US involvement.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s