Payo kay Tatay, Papa, Daddy, Tatsky sa tuwing nagpapasaway ang anak


Father's Day greeting shared by Roselle Janolino Animo on Facebook
Father’s Day greeting shared by Roselle Janolino Animo on Facebook

Sa mga kaibigang Tatay (kasama man kayo o hindi ng mga anak),

Isang pag-pugay sa araw ninyo! Hindi madali ang maging Tatay.

Yung Tatay naming 11 mag-kakapatid, ang manunulat na si Rolando Espina, ay dapat sabitan ng daan-daang medalya sa pagpapalaki nya ng maraming matitigas na ulo na mga anak. Utang namin sa kanya ang mga biyayang kailan ma’y di mananakaw nino man — ang pagmamahal sa libro at sa musika (at ang mga boses namin, haha), ang walang humpay na pag-aaral sa lipunan at sa buhay, at ang matibay ng pagsasama ng pamilya — kahit na, sa ilang kaso, ay nagkakahiwalay ang mga magulang.

Hindi perpekto si Daddy. Minsan, nakakabitiw ng masakit na salita. Minsan, masyadong ma-drama kahit pwede naman ang derecho at mahinahon na pag-aayos ng mga problema.

Pero kung pagmamahal lang ang pag-uusapan, champion sya. Kahit medyo conservative sya (saradong Katoliko, ika nga, kaya nga andami namin), bukas na bukas ang bahay nya — at ang puso nya — sa mga taong iba ang lifestyle at paniniwala.

Rolando Espina, journalist, scarredcat's dad
Rolando Espina, journalist, scarredcat’s dad

At dahil pinalaki niya kami sa malayang kaisipan, kaya nga pag nagtatampororot sya at nagrereklamo sa ilang mga anak, pwede kaming sumabat (with a smile!), “Ay, Dad, kanino pa mag-mamana yan?!

Mga bok, mga tsong, habang padami ang puti sa buhok nyo, mas madalas kayong mag-aasta na si Grumpy ng Seven Dwarves. Konting payo lang galing sa isang Nanay na napilitan ding maging Tatay🙂

Nawa’y pag nabibwisit kayo sa mga anak nyo, pag-isipan nyo — ngek, ganyan na ganyan din ako noon 

Marami ako kalokohang nagawa sa buhay. Minsan pag-nakikita ko ang dalawang anak, nag-iisip, na may dalang sense of wonder, “wow, I must have done something good!” (Sabi ng nina Maria at Captain Von Trapp sa Sound of Music🙂 Ito, medyo natutunan ko sa pamamaraan ng trial and error:

  • Mas madaling makinig ang mga bata kung di tayo nag-aastang last word on wisdom.
  • Mas madaling intindihin ang warning natin kung mag-tapat tayo sa mga sins of the past, ika nga.
  • Mas madaling mag-turo kung ang dating ay, ayoko ko kasing masaktan ka dahil naranasan ko na yan. Kesa naman, “wala ka bang utak na pasukin mo ‘yan?” — eh, alam naman ng anak mo, dahil tsismoso talaga ang mga mag-angkan, na ginawa mo din yun!

Respeto at katapatan. Ang pagkilala na ang anak ninyo ay malayang tao na kailangan na tumahak ng sariling daan.

And then… take a deep breath because ALL KIDS NEED TO LEARN HOW TO FLY AND TEST THE WATERS, as we did once upon a time. Paano nga namang matutong bumangon kung kailan ma’y di nadadapa?

Just be there when they tumble or flail … pero siguro may limit din sa trials that fail, hehehe.

Before I scram… just thought of this: I think you’re on the way to being a great Dad — or a great Mom — if you look at children with gratitude for the miracle of an autonomous life, with the quirks and wonders that brings, than with pride at YOUR accomplishment.
The latter, I think, is where the problems start… when you look at your kid as a statement about you. (Which they often are, but only because we refuse to let them forget it!)
Ciao! May the heavens shower blessings on you, your parents, your children and everyone in your circle of life…

Happy Father’s Day!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s