‘Musta na, Kuya Jose?


Kumusta na, Kuya Jose? Ilang gurls na ba uli ang nabihag mo dyan, ha?🙂 Biro lang po!

Unahan na kita. Heto pa din kami, urong-sulong. Minsa’y, bukal ng kadakilaan, minsan talaga namang pasaway. Namamayagpag pa din ang mga apo ng mga prayle, nakikinabang pa din ang mga kaanak ng mga comprador at panginoong maylupa. Kumikinang pa din ang palamuti at alahas ng mga batang Donya Victorina habang sila’y paluha na hawak-kamay sa mga nasalangtang mahihirap.

Ang masa naman ay minsa’y handa mag-rebelde, minsan nama’y mas gustuhin gumiling-giling na lamang sa telebisyon ng makakuha ng jackpot. Yung mga rebelde naman kasi, kung di nagkakaraoke kasama ng bold star ang mga pinuno, busy sa pagpaplano ng mga krimeng pantustos sa kanilang dakilang adhika-in. Hindi naman lahat, ha. Meron din naman diyang na matino at tunay na nagmamahal sa masa sa kabila ng hirap at takot at kalungkutan. Naniniwala naman akong nagsisimula ang lahat sa magandang adhika-in, maliban na lang kung sumapi para makibahagi na din sa KFR proceeds ni t’yong.

Pero, Kuya, paano naman kasi, buong kabataan nila ay wala nang nagawa kundi lumikas mula sa isang baryo patungo sa kabila, mula sakahan papuntang simbahan o eskwela, nakamasid na lamang habang sumasayaw ang apoy sa kanilang kabahayan o umuulan ng bomba ang kalangitan. Kuya, ganoon pa din. Karamihan ng mga sundalo galing din sa mahirap; ganoon din sa rebelde. Tapos sila-sila ang magpapatayan habang ang mga pinuno nila magkikita-kita sa mga magarang hotel o restawran at paikot-ikot na lamang sa kanilang 4×4. Da Gwardya Sibil lives! Ganoon din ang mga wa-is na dumedo sa kaibigang mong si Boni.

Alam mo, Kuya, minsan iniisip ko, ano kaya kung di namatay si Elias? Pero siguro, wala ding kaiba yun. Sa dami-dami ng mga dakilang nag-right turn at, hayun, nagsilbi sa mga gahaman, sinungaling at mapang-abuso. May kulot ang buhok, may kalbo, may mestiza, may payat, may tabatsoy. Aba, eh meron pang iba, hanep sa pakitang gilas — nasa Palasyo na, feeling partisano pa din; umiikot ba namang may dalang Uzi. Pero iba na nga ang buhay ni ‘pre at may tagabit-bit na ngayon ng baril.

Minsan, parang iniisip ko, tama yung Prances (nga ba?) na nagsabing pag bente anyos ka at di ka komunista wala kang puso, pero pag kwarenta na at komunista pa din, la kang utak. Pero heto ako, di nga komunista (kahit noon siguro, hindi talaga; aba, eh, mas type ko si Lonely Goatherd kay sa Internationale) — pero nasa bandang kaliwa pa din pag-pinagusapan ang pagbabahagi ng yaman ng bansa. Mas madalas nga lang ngayong manawagan sa mga kababayan na bumuhat din naman sila ng iilang bato para di malunod ng tuluyan ang barkong Pinas.

Eh, may mga bagong grupong sumusulpot, hetong anti-Pinoy. Ang gagaling mag-sulat, ang gagaling gumawa ng video. Kaso nga lang, wala pakundangang lumait sa kapwa Pinoy. Iniisip ko nga, hala, eh, teka muna, galit lang kayo kay PNOY, sinama nyo na ang sambayanan! Siguro kasi, feeling nila, “kasalanan nyong lahat na nagboto sa kanya.” Di ako kasali dyan, pero nalulungkot akong makita ang talino at galing na malustay lamang sa pango-okray sa iba. Madami naman sa kanilang sinasabi ay totoo, yung modo lang ng sermon ang nakaka-rindi. At kahit tama lang na puntiryahin ang mga maling nagagawa ng isang gobyerno, wari ko’y mas maganda kung kalahati man lang ng yamang pumupunta sa produksyon nila magamit para mas positibong pag-tulong sa masa.

Kuya, di ko alam kung anong polyeto o nobela ang susulatin nyo nina Plaridel at Lolo Ciano kung nadito kayo at nakikisaw-saw sa gulo namin. Sino kaya ang gagawa ng spoof tungkol sa mga mahistradong naka-biolet o mga senador namang naka toga ng masilaw na pula? Sino ang tatayo sa Plaza Miranda at magwa-warning na hindi pwedeng iligtas ang demokrasya habang ito nama’y paulit-ulit mong sinasaksak? Sino kaya sa inyo ang magpa-Palparan-hunting? At sino ang magkakaladkad sa isang frustrated aktor na abogado na gustong angkining tatay si Hitler? 

Nakalimutan ko si PNOY! Na tulad mo, Kuya, ay mahilig din sa chicks. At tulad mo, ay lagi na lang sawi. (Ang mas totoo yata ay, tulad mo, lagi na lang nabo-bore sa chick of da moment.) Nakakatuwa itong si PNOY. Alam mo, lagi akong may tinutuligsa sa polisiya nya. May mga araw na nagigimbal ako. Pero pag tumingin ako sa paligid at nakikita ko yung pag-asa sa mata ng kapwa, naiintindihan ko kung saan yan nanggagaling. May mga taong galit na kung anu-ano ang tawag sa kanya. Pero ako, tuwing manood ako na magsalita sya, napapangiti ako … magaling talaga, may pinagmanahan sa pagtatalumpati. At nakaka-impress kasi mas magaling sya kapag sa kanya galing ang mga salita, kapag extempo sya, at di nalulunod sa kabalbalang pinapasok ng kanyang mga script writer. Minsan gustong kong sumigaw, “ano ba! Hindi naman yan si Great Lider! Si PNOY yan, yung nagyoyosi kasama mga drayber (bagay, kahit konyo basta kailangan bumuga, makikihalobilo sa drayber.)

Sana’y wag nyang talikuran ang mga Bosing nya — at sana ngayo’y naka hospital arrest na ang kanyang kunamumuhi-an, eh atupagin nya naman ang ibang gawain ng lider. Gamitin nya sana ang kanyang tagumpay para isulong ang tunay na reporma sa ekonomiya at isulong ang social justice. Ang dami na din kasing nasayang na panahon. Ilang dekadang sayang. May sikreto ako, pero wag mong sasabihin kay PNOY, kuya ha? Alam mo, mas gugustuhin kong tumigil sa pagiingay at iligpit na ang bolpen at computer at manahimik na lamang kasama ng mga libro ko at mga CD at mga apo, kung ang katumbas nyan ay isang mapayapang, maunlad na bansa. (Hmmm, balang araw, magja-jamming din kami ni NoyP!)

Ganyan din siguro kayong propagandista ano? Looking forward to the day when there is no longer a reason for being🙂 Eeek! May tumawa sa likod ko. Ilusyonada daw ako. Kung nagtagumpay man daw ang revo nyo, maghahanap pa din kayong tatlo nga gulo. At ganoon din daw ako. Pare-pareho daw tayo ang middle name Trouble. Haaay, Kuya, sige na, mag-party ka na. Wag kalimutang mag-post sa Facebook!!! Hapi-hapi aniv ng kadakilaan!!!! Here’s to the gurls!!!!

labs,

kuting (PS wag nang mag-sermon sa Tagalog ni Bisaya, ha?🙂 Mwah!)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s