PDAF IS ALIVE AND WELL


MONSTER PIG FINALOo, Juana, kailangan mo pa ding lumuhod kay Kong.

Nang nilabas ng Korte Suprema ang desisyon na nagsasabing unconstitutional ang Priority Development Assistance Fund (PDAF), sinabi ng gobyerno ni Pangulong Benigno Simeon Aquino III na patay na ang pork.

Sinabi din kasi ng Korte Suprema na PERMANENTE ang desisyon. Ang hindi pa nagagastos na PDAF ay dapat bumalik sa pangkalahatang pondo ng bayan.

Kahit nitong Hulyo lang, inulit ng mga kaalyado ni Pangulong Aquino na patay na ang pork barrel, kaya di na daw kailangan ng isang batas mula sa taumbayan — o People’s Initiative.

Ito ang sinabi ni Senate President Franklin Drilon:

“There’s no necessity for it. The SC has declared it unconstitutional and thus the PDAF (Priority Development Assistance Fund) cannot be restored in the 2015 or future budgets and the Senate has deleted it in 2014.”

Pero itong transcript ng isang miting sa pagitan ni Health Undersecretary Garin (dating mambabatas) at mga myembro ng Kongreso, ay nagpapakita lamang na hindi sumunod ang  gobyerno sa utos ng Korte Suprema. .Tatalakayin ko ito pagkatapos malahad ang desisyon ng SC. ( Pwede din kayong makining dito )

Bakit nga ba pinagbawal ng SC ang PDAF? Sinabi nito na

  • May kapangyarihan ang mga mambabatas na pumasa ng budget pero di na dapat sumawsaw pa sa kung saan ito mapunta pagkatapos ng pag-pasa ng batas.
  • Ang Executive Department na ang dapat na mag-patupad ng budget.
  • Hindi pwedeng makialam ang mga taga-Kongreso kung sino ang makakakuha ng pondo, proyekto or programa, dahil dapat nakasaad na ito sa budget.

Heto ang desisyon ng SC:

“In view of the constitutional violations discussed in this Decision, the Court hereby declares as UNCONSTITUTIONAL: (a) the entire 2013 PDAF Article; (b) all legal provisions of past and present Congressional Pork Barrel Laws, such as the previous PDAF and CDF Articles and the various Congressional Insertions, which authorize/d legislators—whether individually or collectively organized into committees—to intervene, assume or participate in any of the various post-enactment stages of the budget execution, such as but not limited to the areas of project identification, modification and revision of project identification, fund release and/or fund realignment, unrelated to the power of congressional oversight; (c) all legal provisions of past and present Congressional Pork Barrel laws, such as the previous PDAF and CDF Articles and the various Congressional Insertions, which confer/red personal, lump-sum allocations to legislators from which they are able to fund specific projects which they themselves determine; (d) all informal practices of similar import and effect, which the Court similarly deems to be acts of grave abuse of discretion amounting to lack or excess of discretion; and (e) the phrases (1) “and for such other purposes as may be hereafter directed by the President” under Section 8 of Presidential Decree No. 910 and (2) “to finance the priority infrastructure development projects” under Section 12 of PD 1869, as amended by PD 1993, for both failing the sufficient standard test in violation of the principle of non-delegability of legislative power.”

Noon, sinabi ni Budget Secretary Abad sa mga grupong kontra-pork na dapat matigil ang poder ng Kongreso na maghimasok sa pag-gamit ng pondo pagnapasa ang batas.

Alam natin na hindi nila tinupad ito kasi namudmod din sila nga pera sa mga mambabatas sa ilalim ng Disbursement Acceleration Fund (DAP).

Sa transcript ng miting nina Usec Garin at mga mambabatas, makikita ang totoong dahilan kung bakit kapit tuko sa PDAF ang mga pulitiko.

Nangandarapa makipag-alegro si Usec Garin sa mga yamot na mambabatas. Lahat ginawa na ng DOH para mahawakan pa din ng mga pulitiko ang kapangyarihan na pumili ng mga mabibiyayaan ng serbisyong publiko. Sila lamang ang pipili kung sino ang “indigent” o mahirap.

Sa ilalim ng bagong administrative order ng DOH, ang kailangan para sa makapasok sa medical assistance program (MAP) ay rekomendasyon mula sa MAP officials.

Ang sabi ni Garin: “And who are the MAP officials? Kayo yan, these are the Congressmen or your designated personnel.” 

Hindi yan trabaho ng mambabatas. Trabaho yan ng Executive Branch. At sapat na dapat ang kakayahan ng Executive Branch na kumilala sa mga mahihirap na Pilipino.

Mga ilan sa 5, 360 families saTagum City na kasali sa conditional cash transfer program o Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps).-- http://www.dilg.gov.ph/news/5360-Tagumeo-households-qualify-for-4Ps/NR-2014-306

Mga ilan sa 5, 360 families saTagum City na kasali sa conditional cash transfer program o Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps).– http://www.dilg.gov.ph/news/5360-Tagumeo-households-qualify-for-4Ps/NR-2014-306

Nandyan ang Conditional Cash Transfer (CCT) program na binigyan ng P62.6 billion sa 2014, na tataas sa P64.7-billion sa 2015.

Ang CCT ay nagbibigay ng allowance sa 4.3 million na mahihirap na pamilya basta tumupad sila sa ilang kondisyon — ang pag-sigurado na mag-aral ang mga anak, at ang paninigurado din na nabibigyan sila ng regular na check-up, lalo na ang mabakunahan laban sa mga nakakahawang sakit.

Paanong di malalaman ng DOH at mga lokal na gobyerno kung sino ang mahihirap eh may listahan na nga sila ng nasa ilalim ng CCT?

Kung tunay na binalik ang PDAF sa general funds, bakit meron pang ma-download na funds na ang kongresista lamang ang makakapagsabi kung saan ito mapupunta?

Nag-sorry pa si Garin sa pagsabi ng mga ospital na walang pondo ang mambabatas doon — samantala tama naman yun, kasi dapat nasa DOH na at local government health units ang pondo.

Pero hindi, inangkin pa din ng mga mambabatas ang pondong ito at pinagbigyan naman ng DOH. Kailangan ng guarantee letter mula sa mambabatas bago ka matulungan sa ospital.

So if your funds are already downloaded in the DOH hospitals. So I repeat unang-una po downloading of funds to DOH Hospitals including retained hospitals that includes the regional medical centers and specialty hospitals if your office has funds there, you can transact directly with them yung point person nandudun, second, if in case nagpadala kayo ng pasyente, pagkapadala ninyo ng pasyente sinabi ay wala po ditong pondo yung opisina ninyo …  we have a directory that will be given to you and that will be e-mailed to all your offices. In that directory, there are two persons in-charge of all hospitals, so makikita ninyo dun sa directory, andidito yung mga pangalan ng mga hospitals and then kung sino yung contact person na tatawagan ninyo. So for any problem, you immediately call, text or e-mail the persons in-charge of that hospital and automatically they will issue a guarantee letter direct to your office and direct to the hospital.”

Mga nagproprotesta na biktima ng Yolanda. Kailangan bang lumuhod sa mambababatas para lang makakuha ng ayuda mula sa gobyerno? Litrato ng Tudla Productions

Mga nagproprotesta na biktima ng Yolanda. Kailangan bang lumuhod sa mambababatas para lang makakuha ng ayuda mula sa gobyerno? Litrato ng Tudla Productions

Ilang beses na nating narinig ang mga mambabatas na nagdabog pagkatapos bumaba ang SC ng desistyon sa PDAF?

Eh di wala na kayong pondo sa ospital, sabi nila. Wala nang skolarship. 

Eh meron ngang pondo!

Pero, heto, inamin na din ni Garin na kaya ayaw ng mga mambabatas ng tuwid na sistema ay dahil gusto nilang mag-epal at mangandalakan na sila at sila lang ang makakapagbigay ng tulong sa mahihirap.

At pinagbigyan naman sila ng gobyerno.

“We also understand na yung guarantee letter na unang nirelease, medyo yung format, I mean it’s good, it’s okay. Unfortunately the format creates a lot of questions kasi nga parang it’s, it’s an indigency program of the DOH. Nawawalan ngayon ng, let’s admit it the political points in, in the case of the office requesting it kasi ang nakapirma dun is Asec. Lagajid and it was placed there na hindi pwedeng i-honor pag Saturday and Sunday. “

(Sa Tagalog: “Nauunawaan namin na yung unang format ng guarantee letter ay nagbibigay ng katanungan, kasi nga programa siya ng DOH para sa mahihirap. Aminin natin, na dito nawawalan ng political points ang mambabatas dahil ang nakapirma ay si Asec …)

Kahit sa mga LGU hospitals, ang mambabatas pa din ang wagas.

Hindi magagamit ng lokal na gobyerno ang “pork” nila. Yan ang kahalagahan ng guarantee letter — magbabayad ang DOH kung nakapirma lang si Kong o ang representante niya.

“…our assurance is that, hindi naman siya magagamit ng governor kasi first, we are bound by COA rules not to download kung wala kaming payables. So kung may guarantee letter galing sa inyo, yan po ang babayaran ng Department of Health.”

Ang mas nakakagalit, sinabi pa ni Garin:

“So the decision of the Department is to do away with all walk-in patients because in the first place it was made clear to us that these funds are not DOH funds but are actually funds of Congressmen who are there to assist their constituents. ” (Hindi na tatanggap ng walk-in na pasyente kasi sinabi na sa amin na ang pondo ay hindi para sa DOH kundi pondo ng mambabatas para sa kanilang tutulungan.)

Tabi-tabi na sa kama ang mga mahihirap na pasyente sa Fabella Hospital sa Manila http://churchandstate.org.uk

Tabi-tabi na sa kama ang mga mahihirap na pasyente sa Fabella Hospital sa Manila http://churchandstate.org.uk

At ang mambabatas daw ang mas nakakaalam kung sino ang dapat mabigyan ng tulong. “You (legislators) know best and you know better sino ang nanganagilangan ng tulong sa distrito ninyo. “

Alam natin na hindi ito totoo. May problema pag ang pulitiko ang makakapagdikta kung saan dadaloy ang tulong dahil:

  1. 1) Meron nang magagaling na propesyonal sa mga ahensya ng gobyerno, mula sa pambansa hanggang sa lokal na antas na may datos na ng nangangailangan; at
  2. patay dito ang mga mahihirap na kilalang bumoto o nangampanya sa kalaban.

Dito sa masamang ugat na ito lumalatay ang sinasabi nating “weather-weather lang”. Yung pagikot ng lahat ng bagay sa kung sino ang tinayaan mong baboy, este manok, at hindi sa kung ano ang tama o makatarungan. Meron pa sinabi si Usec Garin tungkol sa paglipat ng paglalaanan ng pondo kung kailangan ng isang mambabatas — na walang kinalaman sa pangangailangan ng tao kundi para sa dahilang politika o intensyong tumakbo sa eleksyon.

Nakakaiyak talaga. Bakit kailangan maglimos ang mahihirap na Pilipino sa mga mambabatas para makakuha ng klarong karapatan nila sa ilalim ng Konstitusyon?

At bakit pinanindigan pa ng Executive Branch itong mabaho at baluktot na sistema sa kabila ng desisyon ng Korte Suprema?

Hirap na nga sa buhay, busabos na, kailangan pang lumuhod sa mga diyos-diyosan. Ang mga miting ng taga- DOH at ng Commission on Higher Education (CHED) na tatalakayin ko sa susunod na blog ay nagpapakita lamang na walang intensyon ang pamahalaan ng Pangulong Aquino na tapusin ang pork barrel system. At ito ang pinaka-klarong ebidesya na hindi ang tao kundi sariling interes ang nasa kaisipan ng ating mga lider.

Sinabi ni Rizal na walang alipin kung walang magpa paalipin. Totoong marami ang walang lakas na lumaban. Sana naman ang may kakayahan ay hindi magbubulag-bulagan o magbibingi-an. Tama nang may ilang masasama sa gobyerno. Wag na nating kunsintihin sila.

2 thoughts on “PDAF IS ALIVE AND WELL

  1. NAKAKAPAGOD ang pagpasa pasahan ng tulong ng pamahalaan sa mga taong nangangailangan ng tulong. Maawa naman kayo. Wala ng makain ang taong bayan sa mahal ng bilihin habang nag papasasa kayo at na hihiga sa SALAPI. Dapat talagang mag resign si Abad dahil hanggat nandyan s’ya patuloy at patuloy ang paghihirap ng taong bayan. Lahat sila dapat maparusahan. THeY are all thieves and LIARS. Wala na kaming pinaniniwalaan sa gobyerno.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s